Ayuda sa mga biktima ng malakas na lindol sa Masbate, tiniyak ng Palasyo

Tiniyak ng Palasyo ng Malakanyang na may ayudang ibibigay ang pamahalaan sa mga nabiktima ng 6.6 magnitude na lindol sa Masbate.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, laging handa ang pamahalaan sa anumang kalamidad.

“Alam niyo po ang mga Pilipino dahil nga sa dami ng mga bagyo at lindol at pagputok ng bulkan na nangyayari sa atin, laging handa na tayo,” pahayag ni Roque.

“Pagdating po sa ayuda, ‘wag po kayo mag-alala, yung mga pagkain, yung mga blankets, yung mga resettlement areas, lahat po yan ay nakapreposition na po yan at sanay na sanay na po tayo magbigay ng ganyang tulong sa ating mga kababayan,” dagdag ng kalihim.

Sigurado rin aniyang gusto ni Pangulong Duterte na bisitahin ang mga biktkma ng lindol.

“Kung pupunta si Presidente, siguradong sigurado ako na gusto ni Presidenteng pupumunta. Siguro po makikipag away pa yan sa PSG kung siya’y pipigilan,” pahayag ni Roque.

Isang retiradong pulis ang nasawi sa lindol.

Read more...