Bilang ng Filipino abroad na nagpositibo sa COVID-19, nadagdagan ng 25

Nasa 25 pa ang mga napaulat na nagpositibong Filipino sa COVID-19 sa ibang bansa.

Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) hanggang August 18, umakyat na sa 9,933 ang mga kumpirmadong positibo sa COVID-19 na Filipino mula sa 72 na bansa at rehiyon.

Sa nasabing bilang, 3,347 ang patuloy na nagpapagamot sa iba’t ibang ospital.

16 naman ang bagong gumaling kung kaya 5,860 na ang overseas Filipinos na naka-recover sa nakakahawang sakit o na-discharge na sa ospital.

Samantala, wala namang napaulat na nasawi.

Dahil dito, nanatili sa 726 ang COVID-19 related deaths sa mga Filipino abroad.

Pinakamarami pa ring naitalang confirmed COVID-19 positive na OF sa bahagi ng Middle East/Africa na may 6,906 na kaso.

Sumunod dito ang Europa na may 1,146 confirmed COVID-19 positive cases na OF.

Nasa 791 naman ang kaso sa Americas at 1,090 sa Asia Pacific Region.

Tiniyak ng DFA na sa pamamagitan ng Foreign Service Posts, tututukan ang lagay ng mga Pinoy sa ibang bansa at handang umasiste sa mga Filipino na apektado ng COVID-19 pandemic.

Read more...