Sa joint hearing ng House Committee on Public Accounts at House Committee on Good Government and Public Accountability, iminungkahi ni Aklan Rep. Tedodorico Haresco na ipasailalim sa HDO ang mga executive ng PhilHealth hanggang sa mga Regional Vice President.
Nangangamba kasi ang mambabatas na magtungo sa ibang bansa ang mga ito sa gitna ng anomalyang ipinupukol sa kanila.
Gayunman, sabi ni Cavite Rep. Crispin “Boying” Remulla na hindi maaaring ilagay sa HDO ang mga matataas na opisyal ang state health insurer dahil sa wala pa namang kaso na nakasampa laban sa mga ito.
Dahil dito, ang inaprubahan ng komite ay ang paghingi na lamang ng legal opinion muna sa DOJ.
Pabiro namang sinabi ni Cavite Rep. Elpidio “Pidi” Barzaga na bagama’t hindi siya tutol sa paghingi ng opinion sa DOJ, walang naman aniyang umaalis ng bansa ngayon.