Ilan pang aftershocks naitala sa Cataingan, Masbate

Patuloy na nakararanas ng aftershocks ang Cataingan, Masbate.

Base sa datos ng Phivolcs, naitala ang magnitude 3.7 na lindol sa layong 8 kilometers Northeast ng nasabing bayan dakong 1:15 ng hapon.

May lalim ang pagyanig na 17 kilometers at tectonic ang origin.

Makalipas ang ilang minuto, tumama naman ang magnitude 3.3 na lindol sa 28 kilometers Southeast ng kaparehong lugar.

Isang kilometro lamang ang lalim nito at tectonic din ang origin.

Sinabi naman ng Phivolcs na hindi nagdulot ng pinsala sa lugar ang dalawang aftershocks.

Read more...