NCR at ilang lugar sa Luzon, uulanin sa susunod na mga oras

Asahang makararanas ng pag-ulan ang Metro Manila at ilang lalawigan sa Luzon.

Sa thunderstorm advisory ng PAGASA bandang 1:28 ng hapon, iiral ang katamtaman hanggang mabigat na buhos ng ulan na may kidlat at malakas na hangin sa Nueva Ecija, Laguna, Bataan at Pampanga.

Heavy to intense rainshowers naman ang mararanasan sa Metro Manila partikular sa Quezon City, Valenzuela, Malabon at Caloocan; Capas at San Jose, Tarlac; Maragondon at Ternate sa Cavite.

Uulanin din ang Santa Cruz, Candelaria, Masinloc, Palauig, Iba, Botolan at Cabangan sa Zambales; Doña Remedios Trinidad, Norzagaray, San Miguel, San Ildefonso, San Rafael, Angat, Santa Maria, San Jose Del Monte, Bocaue, Marilao at Meycauayan.

Maaapektuhan din ang bahagi ng Rodriguez, San Mateo, Antipolo, Baras at Cainta sa Rizal; Calaca, Tuy at Balayan, Batangas; Pitogo, Gumaca, Macalelon, Tagkawayan at General Nakar sa Quezon.

Sinabi ng weather bureau na posibleng maranasan ang pag-ulan sa susunod na dalawang oras.

Dahil dito, pinag-iingat ang mga residente sa nabanggit na lugar sa posibleng pagbaha o pagguho ng lupa.

Read more...