Ayon kay Romulo, pagkakataon ito ng mga magulang na samantalahin ang anim na linggo bago ang simula ng klase na ipalista na sa mga paaralan ang mga anak.
Ngayon anyang ipinagpaliban na muna ang klase, umaasa ang mambabatas na maraming mga mag-aaral ang hahabol sa enrollment.
Nanawagan din si Romulo sa mga eskwelahan na humanap ng paraan upang i-accommodate ang lahat ng mga late enrollees nang sa gayon ay mabawasan ang bilang ng mga kabataan na mapapag-iwanan ngayong school year.
makakatulong din anya sa gobyerno ang revised school calendar para mapababa o ma-flatten ang curve ng sakit na COVID-19.
Sa taya ng DepEd, nasa 4 na milyon na estudyante ang hindi nakapag-enroll kung saan 2.75 million dito ay mula sa pribadong paaralan habang 1.25 million ay mula sa public schools.