Maynila magpapatupad ng bagong oras ng curfew

Magpapatupad ng bagong oras ng curfew sa lungsod ng Maynila simula bukas, August 19.

Ito ay bunsod ng muling pag-iral ng General Community Quarantine sa Metro Manila mula sa Modified Enhanced Community Quarantine.

Sa abiso ng Manila Barangay Bureau, simula bukas, magiging alas 10:00 na ng gabi hanggang alas 5:00 ng umaga ang curfew sa Maynila.

Pinapayuhan ang mga residente na sundin ang oras ng curfew dahil regular na magsasagawa ng pag-iikot ang mga otoridad.

 

 

 

Read more...