Sen. Go: Pagkakasakit ni Pangulong Duterte, fake news

Binuweltahan ni Senator Christopher Go ang mga nagpapakalat ng maling impormasyon ukol sa kalusugan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Pagdidiin ni Go, ‘fake news’ ang mga impormasyon na may karamdaman ang Punong Ehekutibo.

Bilang patunay na malusog si Pangulong Duterte, naglabas ang senador ng litrato kung saan makikita na kasama ng Punong Ehekutibo ang kanyang common law wife na si Honeylet Avanceña sa kanilang bahay sa lungsod ng Davao.

Inihirit ng senador na sundutin ng kanilang konsensya ang mga nagpakalat na nagpunta sa Singapore si Pangulong Duterte noong weekend sakay ng isang private jet para magpagamot.

Aniya, hindi umaalis ng bansa ang pangulo dahil marami itong ginagawa at nakatutok sa trabaho.

Ilang ulit nang kinuwestiyon ang tunay na lagay ng kalusugan ng 75-anyos na Punong Ehekutibo.

Read more...