Mga pulis na nagpositibo sa COVID-19, halos 3,000 na

Nadagdagan pa ang bilang ng mga pulis na tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, ayon sa Philippine National Police (PNP).

Sa datos ng PNP Health Service hanggang 6:00, Lunes ng gabi (August 17), 2,980 na ang confirmed COVID-19 cases sa hanay ng pambansang pulisya.

763 pulis ang itinuturing na probable cases habang 2,197 ang suspected cases.

Umabot naman sa 2,193 ang total recoveries sa hanay ng PNP sa naturang sakit.

Nanatili pa rin sa 13 ang COVID-19 related deaths sa pambansang pulisya.

Read more...