Mga nahuling violator sa gitna ng MECQ sa Navotas City, higit 2,100 na

Lampas 2,100 na ang nahuling lumabag sa ipinatutupad na safety measures sa Navotas City.

Ito ay kasabay ng umiiral na modified enhanced community quarantine (MECQ).

Sa ulat ng Navotas City Police hanggang 5:00, Lunes ng hapon (August 17), umabot sa kabuuang 2,116 ang mga nahuling lumabag sa safety measures para maging protektado laban sa COVID-19.

Sa nasabing bilang, 1,756 ang nahuling walang suot na face mask o hindi tama ang pagkakasuot nito.

Nasa 123 katao naman ang lumabag sa curfew.

237 rin ang bilang ng mga hindi sumunod sa isa hanggang dalawang metrong physical distancing.

Read more...