Sa joint hearing ng House Committees on Public Accounts at Good Government and Public Accountability, sinabi ni Fernandez na walong proseso ang pinagdadaanan bago ma-i-release ang pondo sa mga ospital.
Paliwanag nito, dahil sa napakahabang proseso ay lantad ito sa katiwalian.
Sinita rin nito ang redundancy mula sa hanay ng mga opisyal na pinagdadaanan ng proseso sa paglalabas ng pondo.
Sinita din ni Fernandez ang aniya’y paglabag ng PhilHealth sa Republic Act 1127 kung saan ino-operate ng Treasury Department ng ahensya ang auto credit payment system (ACPS) o paglalabas ng pondo para sa mga pagamutan na hindi dumaan sa otorisasyon ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).