Masbate, niyanig ng magnitude 4.6 na lindol

Tumama ang magnitude 4.6 na lindol sa Masbate.

Sinabi ng Phivolcs na namataan ang episentro ng lindol sa layong 10 kilometers Southeast ng Cataingan bandang 1:21 ng hapon.

Dalawang kilometro ang lalim ng lindol at tectonic ang origin.

Bunsod nito, naramdaman ang mga sumusunod na intensities:

Intensity 5:
– Cataingan, Masbate

Intensity 3:
– City of Masbate
– Palanas, Masbate
– Tagapul-an, Samar

Intensity 2:
– Irosin at Bulusan, Sorsogon
– Kawayan, Biliran
– Alamagro, Samar

Instrumental intensities naman ang naitala sa mga sumusunod na lugar:

Intensity 2:
– City of Masbate
– Legazpi City

Intensity 1:
– Naval, Biliran

Wala namang naitalang pinsala at aftershocks matapos ang pagyanig.

Read more...