Tugon ito ng Palasyo ng Malakanyang sa pahayag ni Atty. Larry Gadon na kaya niya idinikit ang face mask sa face shield dahil hindi naman garantisado ang face mask kontra COVID-19.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, hahayaan na lamang niya na personal na opinyon ito ni Gadon.
“Hindi naman po doktor kasi si Larry Gadon. ‘Yan po ay pañero ko so let that be his personal opinion,” pahayag ni Roque.
Ayon kay Roque, mismong ang mga dalubhasa na ang nagsabi nakatutulong ang face mask para makaiwas sa COVID-19.
“Pero ang mga doktor po, ang mga dalubhasa ang nagsasabi na ang pagsusuot po ng maskara can reduce the risk of acquiring the disease as much as 85 percent. Sasamahan pa ‘yan ng face shield, almost 90+ percent po ang probability na mapo-protect tayo sa Covid,” pahayag ni Roque.
“Sana po ay ‘wag na tayo mag-antay na tayo pa ay magiging susunod na biktima. Alam na po natin ‘yan sa buong mundo na epektibo po ang pagsusot ng face mask, paghuhugas ng kamay, at social distancing,” dagdag ng kalihim.