COVID-19 cases sa India, higit 2.6 milyon na

Nasa 57,981 ang bagong naitalang kaso ng COVID-19 sa India.

Sa datos ng health ministry sa India hanggang 8:00 ng umaga (August 17), pumalo na sa 2,647,663 ang kumpirmadong kaso ng nakakahawang sakit.

Sa nasabing bilang, 676,900 pa ang aktibong kaso.

Nadagdagan naman ng 57,584 ang mga gumaling.

Dahil dito, 1,919,842 na ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa India.

Umakyat naman sa 50,921 ang nasawi bunsod pa rin ng nakakahawang sakit.

Read more...