Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, patunay ito na matibay ang mga Filipino.
“Magugulat ka ba na nawalan ng trabaho sila e samantalang buwan buwan nang inaabot na nakalockdown ang ating ekonomiya. Ako po’y nagagalak na hindi tayo 100 percent na nawalan ng trabaho. Kasi sa tagal po na nakalockdown tayo, talagang I’m still surprised at our resilience at 45 percent pa lang ang nawawalan ng trabaho. It could have been worse kasi nga po, complete lockdown ang nangyayari sa atin,” pahayag ni Roque.
Base sa survey ng Social Weather Stations (SWS), 45.5 porsyento o 27.3 milyong Filipino ang nawalan ng trabaho noong July 2020. Mas mataas ito kumpara sa 17.1 porsyento na naitala noong December 2019.
Hindi aniya maikakaila na mainit ang naging talakayan sa Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Disease (IATF-MEID) kaugnay sa pagbubukas ng ekonomiya.
“Intense po ang debate sa IATF at sa gabinete. Between those who want to open the economy and between those who want to continue closing it because of the threat. Ako, I belong to the school of thought na we can live with COVID, we need to learn how to live our lives with COVID,” pahayag ni Roque.
“Ilulunsad na nga po natin yung ating kampanya na ingat buhay para sa hanapbuhay. Ang solusyon po, kinakailggan buksan ang ekonomiya. Dahil talaga naman pong wala pa rin trabaho ang karamihan kung mananatili ang mga lockdowns,” pahayag ni Roque.