Katuwiran ni Marcos sa kanyang rekomendasyon, maaring nakakaiwas sa comprehensive audit ang Philhealth sa pagpapalabas ng kanilang pondo dahil sa butas sa Republic Act 11332, na nag-aatas na ang lahat ng ‘notifiable diseases’ ay dapat iulat sa gobyerno.
Paliwanag ng senadora hindi kasama ang pneumonia sa depinisyon ng notifiable disease kayat hindi lubos na iniuulat ng Philhealth ang mga kaso ngunit kasama sa paniningil ng reimbursements ng mga opisyal sa pamamagitan ng ‘bill and bribe scheme.’
“The legal loophole and the failure of Philhealth to submit a detailed breakdown on hospital claims abet the ‘Pera sa Pneumonia’ scam that involves overstated or false claims, like the upcasing of a common cold to pneumonia and the treatment of ghost patients,” sabi pa ni Marcos.
Binanggit pa nito na hindi nakapagsumite ang Philhealth ng ‘breakdown of hospital claims’ noong nakaraang taon kahit hiningi ito ng Senado.
Inihain ni Marcos ang Senate Bill 1416 para maamyendahan ang RA 11332 at maisama ang pneumonia sa mga ‘notifiable diseases’ sa katuwiran na kabilang sa sinisingil ng mga ospital sa Philhealth ay ang paggamot sa mga pasyente ng naturang sakit.
Inirekomenda din nito ang pansamantalang hindi paniningil ng Philhealth premiums o ang pagsasantabi muna ng pondo hanggang hindi natatapos ang mga iskandalo sa paggamit ng pondo ng ahensiya.