Ayon kay Lopez, sa ganitong paraan unti-unting maibabalik ang sigla ng ekonomiya at magkakaroon muli ng pangkabuhayan ang mga hindi makapagtrabaho.
Sinabi ni Lopez na ang mga manggagawa na maayos ang lagay ng kalusugan ay dapat makabalik na sa trabaho.
Tiniyak din ni Lopez na mahigpit na babantayan ang mga kumpanya kung masusunod ba ng mga ito ang inisyung guidelines ng DOLE at DTI sa pagkakaroon ng health protocols sa mga opisina.
Kabilang dito ang mandatory na pagsusuot ng face mask at face shields ng mga manggagawa.
Gayundin ang pagbabawal sa mga empleyado na sabayang kumain, o mag dine-in sa canteen ng kumpanya.