Preventive suspension sa ilang opisyal ng PhilHealth inihirit ni Sen. Bong Go

Nais ni Senator Christopher Go na may ilang opisyal pa ng Philhealth ang dapat patawan ng preventive suspension para hindi mabahiran ng pagdududa ang pag-iimbestiga sa mga diumanoy anomalya sa ahensiya.

Kasunod ito nang paghahain ng leave of absence ng anim na regional directors ng Philhealth.

“’Yung mga sinasabing involved, dapat mailagay sa preventive suspension para hindi maimpluwensyahan ang imbestigasyon at para hindi pa kumalat lalo ang sakit na corruption sa ahensya,” aniya.

Dagdag hirit pa nito, “para matigil ang kalokohan dapat talaga pilayin ang magnanakaw para hindi na makagalaw.”

Diin ng senadora hindi matatapos ang mga pag-iimbestiga hanggang hindi nakakatiyak na wala na at napaparusahan na ang lahat ng mga galamay ng sinasabing sindikato sa ahensiya.

Naghain ng kanilang leave of absence ang regional directors na sina Paolo Johann Perez (MIMAROPA); Datu Masiding Alonto Jr. (Northern Mindanao); Atty. Valerie Anne Hollero (Western Visayas); Atty. Khaliquzzman Macabato, (Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao); Dennis Adre at William Chavez.

Hindi naman kabilang ang anim sa sinasabing sindikato sa Philhealth, ayon kay Sen. Panfilo Lacson.

 

 

Read more...