PNP-CIDG nakatanggap ng 723 na reklamo kaugnay sa SAP distribution

Idinulog sa PNP-CIDG ang 723 reklamo ukol sa mga umanoy anomalya sa pamamahagi ng Social Amelioration Program cash aid simula noong Abril hanggang noong nakaraang Biyernes, Agosto 14.

Sa naturang bilang, 336 ang inimbestigahan at 240 dito ang naayos na, 46 pa ang iniimbestigahan at tatlo naman ang isasampa na sa korte.

May anim din na idinulog sa ibang ahensiya at may 41 ang hindi maisasampa dahil sa ibat-ibang kadahilanan.

Sa kabuuang bilang ng mga reklamom 1063 ang isinangkot, may 455 halal na opisyal na ang kinasuhan, bukod pa sa 608 purok leaders, barangay secretaries, barangay health at social workers.

Kamakailan lang may kinasuhan ng paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act at Bayanihan to Heal as One Act sa Quirino Provincial Prosecutors Office, gayundin sa Legazpi City Prosecutors Office.

Isinangkot sa mga iregularidad ang barangay chairman, tatlong kagawad, secretary at treasurer ng Barangay San Pascual sa Diffun, Quirino at ang barangay chairman, secretary at treasurer ng Barangay 27 sa Legazpi City, Albay.

Inakusahan sila ng pagdo-doktor sa listahan ng tatanggap ng cash aid.

 

 

Read more...