Ayon kay House Secretary General Atty. Jose Luis Montales, ito ay para bigyan ng sapat na panahon ang mga kongresista na mag-focus sa bicameral conference committee ng Bayanihan 2.
Bibigyan din aniya ang mga komite ng panahon para tapusin ang mga reports sa mga mahahalagang panukalang inaprubahan bago isalang sa plenary deliberations.
Ngayong Lunes ng hapon sa plenaryo ay bubuksan at isasara din agad ng Committee on rules ang sesyon.
Hinihikayat naman ng house leadership ang mga komite na dinggin ang mga priority measures sa pamamagitan ng Zoom upang maisalang na ito sa plenaryo sa huling linggo ng Agosto at makapagsimula na ang Kamara sa budget hearings sa unang linggo ng Setyembre.
Noong nakaraang Miyerkules ay hindi rin nagsagawa ng sesyon ang Kamara bunsod ng panawagan ng ilang mga empleyado sa tumataas na kaso ng COVID-19 sa Batasan.