Sa panayam ng Radyo Inquirer sinabi ni Department of Trade and Industry Sec. Ramon Lopez na noong nakaraang linggo ay nag-ikot na ang mga tauhan ng DTI para magsagawa
ng monitoring sa mga nagbebenta ng face shield.
May mga establisyimento aniyang nakita na nagbebenta ng lagpas sa itinakdang SRP o suggested retail price na 25 hanggang P50 lamang
Binalaan lamang ang mga nagtitinda at ayon sa DTI muling magsasagawa ng inspeksyon ang kanilang mga tauhan.
Sa sandaling muling makitaan ng paglabag ay maari nang pagmultahin ng P5,000 hanggang P2 milyon ang mga establisyimento.
MOST READ
LATEST STORIES