Batay sa pinakahuling datos hanggang umaga ng Lunes (Aug. 17) ay 21,817,682 na ang global cases ng COVID-19.
Ito ay makaraang makapagtala ng mahigit 212,000 na bagong kaso sa magdamag.
Ang kaso sa Estados Unidos ay sumampa na sa 5,566,632 matapos makapagtala ng mahigit 36,000 pang bagong kaso.
Ang Brazil ay nakapagtala ng mahigit 22,000 bagong kaso habang mahigit 58,000 ang nadagdag sa kaso ng COVID-19 sa India.
Ang Pilipinas ay pang-22 na sa mga bansa na may pinakamaraming kaso sa mundo.
Narito ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa iba pang mga bansa:
Brazil – 3,340,197
India – 2,647,316
Russia – 922,853
South Africa – 587,345
Peru – 535,946
Mexico – 517,714
Colombia – 468,332
Chile – 385,946
Spain – 358,843