Mag-anak sa isang barangay sa Tuguegarao City nagpositibo sa COVID-19

Isang mag-anak sa Brgy. Cataggaman Viejo sa Tuguegarao City ang nagpositibo sa COVID-19.

Ayon sa Provincial Information Office ng Cagayan, naka-confine ngayon sa Cagayan Valley Medical Center o CVMC ang isang 59-anyos na ama maging anak na babae at asawa nito matapos lumabas sa swabtest na positive sila COVID-19.

Dahil dito, iminungkahi ni Gov. Manuel Mamba na isailalim sa lockdown ang Brgy. Cataggaman Viejo.

Ito ay upang agarang makapagsagawa ng contact tracing lalo at posible ang local transmission ang nangyari dahil walang history of travel ang mga pasyente.

Unang nagpakonsulta sa CVMC ang padre de pamilya dahil sa nararanasan niyang sipon na kalaunan ay lumabas na positibo siya sa COVID-19.

Sa ngayong mayroong 20 kaso ng COVID-19 na ginagamot sa CVMC.

Labindalawa (12) dito ay taga Cagayan, lima (5) ang taga Isabela, dalawa (2) mula sa Kalinga at isa (1) mula naman sa Apayao.

 

 

Read more...