Pagbubukas ng klase sa Oktubre inaasahang magiging seamless na

Photo grab from PCOO Facebook video

Kumpiyansa ang Palasyo ng Malakanyang na magiging seamless na ang pagbubukas ng klase sa Oktubre.

Ito ay matapos magpasya si Pangulong Rodrigo Duterte na ipagpaliban ang pagbubukas ng klase sa pamamagitan ng blended learning sa Oktubre sa halip na August 24.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roaue, magkakaroon na kasi ng dagdag panahon ang Department of Education para mapaghandaan ang kanilang modular learning materials.

“Lahat naman po ng preparasyon ay ginagawa ng DepEd. Dahil na-postpone po ang pagbubukas ng pasok sa Oktubre, ibig sabihin mas maraming panahon pa ang pupuwedeng magugol ng ating DepEd ‘no para masiguro na seamless ang pagbubukas po ng ating klase,” ayon kay Roque.

Umaasa rin ang Palasyo na mailalabas na ng Deped ang budget para sa pag printout ng modules ng mga guro na gagamitin sa pagtuturo

Naiintindihan aniya ng Palasyo ang panghihingi ng donasyon ng mga guro para sa pag print ng nga modules dahil sa August 24 na ang orihinal na plano ng pagbubukas ng klase.

 

 

 

Read more...