Ayon sa PAGASA-Hyrometeorology Division, ang antas ng tubig ng Angat dam ay nasa 182.93 meters alas-6:00 umaga ng Lunes (August 17) mas mataas ito sa antas nito kahapon na 182.86 meters.
Nabawasan din ang antas ng tubig ng Ipo dam na nasa 99.37 meters mas mababa sa antas nito kahapon na 99.81 meters habang nanatili naman ang antas ng tubig ng La Mesa dam sa 78.69 meters.
Samantala, ang water level ng Ambuklao, San Roque, Pantabangan, Magat at Caliraya dams ay nadagdagan habang nabawasan naman ang tubig sa Binga dam.
MOST READ
LATEST STORIES