Tatlong pulis sugatan sa insidente ng pamamaril sa Cedar Park sa Texas

Sugatan ang tatlong pulis na rumesponde sa insidente ng pamamaril sa isang bahay sa Cedar Park sa Texas.

Ayon sa Cedar Park Police, pawang isinugod sa ospital ang tatlo nilang tauhan na nagtamo ng tama ng bala ng baril.

Rumesponde ang mga pulis sa tawag na mayroong kaguluhan sa isang bahay sa Natalie Cove.

Nasa stable naman nang kondisyon ang mga nasugatang pulis.

“At this time we can confirm three Cedar Park Police Officers have been shot. They are at a local hospital in stable condition. This remains a very active scene, the subject is not in custody at this time,” ayon sa pahayag ng Cedar Park Police.

Nananatili namang naka-barikada ang lugar at pinapayuhan ang mga residente na iwasan ang magtungo doon.

Hindi pa nagbibigay ng detalye ang mga otoridad kung anong klaseng insidente ang kanilang nirespondehan sa lugar.

Read more...