Kaso ng COVID-19 sa Central Visayas mahigit 17,800 na

Sumampa na sa mahigit 17,800 ang kaso ng COVID-19 sa Central Visayas.

Ito ay makaraang makapagtala pa ng dagdag na 72 na bagong kaso ng sakit kahapon.

Ayon sa DOH-Central Visayas Center for Health Development, 17,886 na ang total confirmed cases ng COVID-19 sa rehiyon.

Sa nasabing bilang, 4,020 na lang ang aktibong kaso.

Umabot naman na sa 1,040 ang bilang ng nasawi dahil sa COVID-19 sa Central Visayas.

Habang nakapagtala ng dagdag na bilang ng recoveries na umabot sa 45 dahilan para umabot na sa 12,806 ang bilang ng mga gumaling sa sakit.

Malaking bilang ng kaso ng COVID-19 sa Central Visayas ay sa Cebu City na nakapagtala na ng 9,383 cases.

Narito naman ang kaso ng COVID-19 sa iba pang mga lalawigan at lungsod sa rehiyon:

Cebu Province – 2,296
– Talisay City – 817
– Minglanilla – 463
– Consolacion – 452
Mandaue City – 2,134
Lapu-Lapu City – 2,075
Negros Oriental – 117
Bohol – 126
Siquijor – 3

 

 

 

Read more...