Eastern Visayas nakapagtala ng 16 na bagong kaso ng COVID-19

Nakapagtala ng 16 pa na bagong kaso ng COVID-19 sa Eastern Visayas.

Sa datos ng Department of Health-Eastern Visayas, dahil sa dagdag na mga kaso umabot na sa 1,585 ang total confirmed cases ng COVID-19 sa rehiyon.

Ang mga bagong kasong naitala ay mula sa iba’t ibang mga bayan sa lalawigan ng Leyte.

Karamihan sa mga bagong nagpositibo sa rehiyon ay pawang Locally Stranded Individuals na galing ng Metro Manila, Cebu at Mandaue.

 

 

Read more...