Rizal Gov. Nini Ynares sasailalim sa mandatory quarantine matapos ma-expose kay DILG Sec. Año

Sasailalim sa mandatory quarantine si Rizal Gov. Nini Ynares.

Ito ay makaraang magkaroon ng direct exposure ang gobernadora kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año.

Si Ynares at Año ay nagkasama ng ilang oras nang bumisita sa lalawigan ng Rizal ang mga miyembro ng IATF at National Task Force.

Sa pahayag, sinabi ni Ynares na bagaman ang mga dumalo ay nakasuot ng face masks at face shields at sumunod sa physical distancing, bilang pagtalima sa DOH protocol ay sasailalim muna siya sa mandatory quarantine.

Pinapayuhan din ang iba pang mga nakasalamuha ni Sec Año at ni Ynares sa naturang event na sumailalim sa 14 day quarantine at magpakonsulta kapag nagkaranas ng sintomas.

 

 

Read more...