Ayon sa huling datos mula sa Department of Health Center for Health Development Region 4A (DOH CHD 4A), araw ng Linggo (August 16, 3:00 PM) nakapagtala ng 347 na bagong kaso kaya pumalo na sa 13,199 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng virus sa rehiyon.
Narito ang bilang ng mga nagpositibo:
Cavite – 3,210
Laguna – 5,004
Batangas – 1,880
Rizal – 2,441
Quezon – 664
Ang bilang ng active cases sa lalawigan ay 8,847.
Nasa 3,955 na ang bilang ng mga nakarecover kung saan nakapagtala ng 118 na bagong recovery.
Narito ang bilang ng mga nakarecover:
Cavite – 716
Laguna – 1,268
Batangas – 788
Rizal – 885
Quezon – 298
Ang COVID-19 related deaths sa rehiyon ay nadagdagan ng 14 kaya umabot na sa 397 ang bilang.
Narito naman ang bilang ng mga nasawi sa mga lalawigan:
Cavite – 77
Laguna – 92
Batangas – 63
Rizal – 142
Quezon – 23
Paalala ng DOH CHD 4A na masusing sundin at gawin ang mga sumusunod upang maiiwasan ang pagkalat at pagtaas sa bilang ng mga tinatamaan ng COVID-19:
1. Social distancing
2. Proper hygiene (pagiging malinis sa katawan)
3. Proper cough etiquette
4. Pagsusuot ng face mask kung may importanteng lakad sa labas ng tahanan.
5. Healthy Lifestyle (pag-eehersisyo, pagkain ng mga masusustansyang gulay at prutas) at
6. pananatili sa loob ng bahay