Metro Manila, Rizal ilan pang kalapit na lalawigan maagang inulan dahil sa thunderstorm

Nagtaas ng thunderstorm advisory ang PAGASA sa Metro Manila at mga kalapit nitong lalawigan.

Sa inilabas na abiso ng PAGASA alas 4:55 ng umaga ngayong Lunes, August 17 katamtaman hanggang sa malakas na buhos ng ulan ang mararanasan sa Metro Manila at Rizal.

Ganito lagay na rin ng panahon ang nararanasan sa Masinloc, Candelaria, Iba at Palauig sa Zambales; Ternate, Maragondon, Rosario, Noveleta, Cavite City, Kawit at Imus sa Cavite at sa Nasugbu, Batangas.

Ang mga naninirahan sa mabababang lugar ay pinag-iingat ng PAGASA sa posibleng pagbaha.

Maari ding magdulot ng paguho ng lupa ang mararanasang malakas na buhos ng ulan sa bulubunduking mga lugar.

 

 

Read more...