Calayan, Cagayan niyanig ng magnitude 3.4 na lindol

Niyanig ng magnitude 3.4 na lindol ang lalawigan ng Cagayan.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 42 kilometers southeast ng bayan ng Calayan, alas-12:20 madaling araw ng Lunes (August 17).

May lalim na 26 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.

Wala namang inaasahang pagkasira sa mga ari-arian,intensities at aftershocks.

 

 

 

 

 

Read more...