“Gamit ang teknolohiya, makikita ng publiko kung nasaan na ang papeles, sino ang humahawak, magkano ang babayaran sa isang permit, halimbawa, at gaano katagal ilalabas ang papeles. Hindi na pwedeng magbingi-bingihan, magbulag-bulagan at ‘yung patutulugin ang mga papeles. Hindi na dapat pahirapan ang pagkuha ng serbisyo mula sa gobyerno,” Paliwanag ni Go, Chair ng Senate Committee on Health and Demography.
Dagdag pa ni Go, “in an age where almost everything can be done online and through other digital platforms, the government must harness the power of information and communications technology to better serve its purpose and bring the government closer to the people.”
Gayunman, nagbabala ang senador na para maging matagumpay ang E-governance ay kailangan na maging ligtas sa korapsyon ang transition lalo na ang pagtukoy sa specifications na kinakailangan at sa actual procurement ng IT equipment habang inihahalimbawa nito ang isyus na may kinalaman sa Philippine Health Insurance Corporation.
Sa unang pagdinig ng Senate Committee of the Whole noong August 4, ibinunyag ni PhilHealth President Ricardo Morales na mayroong mahigit sa 5,000 Philhealth members ang nag-e-edad na ng 130 years at ito ay nasa data base ng ahensiya.
Idinepensa ni Morales ang pangangailangan para sa IT projects ng PhilHealth na kung saan nakitaan ng Commission on Audit ng iregularidad, Kabilang na ang pagbili ng PhP734-million na halaga ng equipment na hindi naman kasama sa original budget ng ahensiya.
“The main solution to the systematic problem arise in a robust integrated and harmonized information management system, running a clean, complete, and updated membership database,” pagtatangol pa ni Morales”
Si Go na siyang may-akda ng Senate Bill No. 1738 o ang E-Governance Act of 2020 na magpa-facilitate ng transition ng government processes patungo sa digital age, ay sang-ayon na ang technological interventions sa PhilHealth ay makapagbibigay ng mga bagong paraan para maiwasan, malaman at maparusahan ang mga tiwali at magsilbing halimbawa sa ipa bang public institutions.
Gayunman, nagbabala rin siya na ang kaparehong mga paraan ay maaring magamit din para bumuo ng bagong oportunidad para sa panloloko at katiwalian.
“While your efforts to initiate IT reforms are commendable, kailangan rin siguraduhin that the transition itself is free from corruption. Dahil kung magiging successful ang inyong initiative, magiging best practice ang tawag diyan, at gagayahin ng ibang ahensya sa pag-transition to e-governance. Pero kung sablay naman ‘yan at nababalot ng corruption, imbes na maging best practice kayo, magiging test case lang kayo ng Task Force laban sa corruption sa gobyerno,” saad pa ni Go.
Mahigpit ang paniniwala ni Go na ang digitalizing ng serbisyo publiko ay tugon para sa malalim at sistematikong korapsiyon na sumisira sa gobyerno, dagdag pa ito sa pag-papaunlad responsiveness, effectiveness at efficiency.
Sa pamamagitan ng naturang panukala ay maitatatag ang
internal government network na magpapahintulot sanational at local governments na magbahagian ng impormasyon, data at resources.
Layon din ng panukala ang pagtatag ng online public service portals, internal records system at national directory ng impormasyon ng mamamayan ng Pilipinas at public officials, at marami pang iba.
“Tulad ng sabi ng Pangulo, panahon na para mawala ang pangangailangan na pumila para mapagsilbihan ng gobyerno,” wika pa ni Go.
Ang transition ay pangungunahan ng Department of Information and Communications Technology na kinatawan ng gobyerno na siyang may technical expertise para masiguro ang quality, security at reliability ng ICT infrastructure and services.
Ito rin ang mangangasiwa at magre-regulate ng establishment at operations ng lahat ng pertinent infrastructure, systems and facilities.
Kapag nakapasa, ang panukala ay magbibigay ng pahintulot sa mga Pilipino na direktang maka-access at request ng government information, documents at forms, maliban sa sensitive records may kinalaman sa national security, via internet kahit saan at sa anumang oras gamit lamang ang kanilang telepono o private gadgets.
Higit sa lahat, binigyan importansiya ni Go, na magkakaroon ng kapangyarihan ang mamamayan para subaybayan ang paghahatid ng public services mula umpisa hanggang matapos. Anumang pagkaantala sa paraan nito ay malalaman sa eksaktong tanggapan o opisina at kung sinong mga indibiduwal.
“Armed with information, the public can demand their rights and exact accountability from the government, thereby reducing opportunities for corruption,” Sabi ni Go.
“We need to evolve— businesses are already transitioning to e-commerce and online transactions. Our education system is also championing blended learning. It is important for the government as a whole to expedite its transition as well,” Go Paliwanag pa nito.
Una nang binigyan-diin ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang pinakahuling
State of the Nation Address, ang pangangailangan para I-prayoridad ang mga hakbang na may kinalaman sa transition sa E-Governance.
“The national government shall lead the way in our transition to online systems. I reiterate my call for all government instrumentalities to implement systems that shall make physical queuing a thing of the past. Panahon na para mawala na ang pila para mapagsilbihan ang gobyerno nang walang kahirapan para sa tao,” sabi ng Pangulo sa kanyang ikalimang SONA.
“The DILG, DBM, and the ARTA, along with all agencies and instrumentalities of government, are hereby directed to make possible services available online. We need to adjust to and adopt a paper-less type business and work performance. We need e-governance [to provide] our people with the services they need [from] the comfort of their homes or workplaces. It will enable our bureaucracy to better transition into in the ‘new normal’ and cut or minimize red tape,” Saad pa ng Presidente.