Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Linggo (August 16), 40,397 ang naka-recover sa nakakahawang sakit sa bansa.
Dahil dito, pumalo na sa 112,586 ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas
Samantala, umabot na sa 161,253 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa nasabing bilang, 46,002 ang aktibong kaso.
Sinabi ng kagawaran na 3,420 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.
90.7 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 6.7 porsyento ang asymptomatic; 1.1 porsyento ang severe habang 1.5 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.
Nakuha ang mga datos mula sa 99 out of 105 licensed laboratories.
Nasa 65 ang napaulat na nasawi.
Dahil dito, umakyat na sa 2,665 ang COVID-19 related deaths sa bansa.