Una rito, umugong ang balita na isinakay ang pangulo sa isang lear jet at dinala sa Singapore noong Sabado ng hapon, August 15, para sa isang emergency treatment.
Ayon kay Presidential spokesman Harry Roque, walang katotohanan ang balita dahil nasa Davao City lamang ang Pangulo.
“There is no truth that President Rodrigo Roa Duterte left the country this weekend,” pahayag ni Roque.
Naka-monitor lamang aniya ang Pangulo sa sitwasyon ng COVID-19 sa bansa.
“The Chief Executive is in the Philippines and closely monitoring the COVID-19 situation in the country,” pahayag ni Roque.
Umuwi sa Davao City si Pangulong Rodrigo Duterte noong August 3 ng gabi bago naging epektibo ang modified enhanced community quarantine sa Metro Manila, Bulacan, Rizal at Laguna.