Pasay LGU, nakipag-ugnayan sa Angkas para sa contact tracing sa COVID-19

Nakipag-ugnayan na ang lokal na pamahalaan ng Pasay City sa motorcycle hailing firm na Angkas para sa contact tracing sa COVID-19.

Sa pahayag ng Pasay City goverment, tulong na rin nila ito sa Angkas matapos umangal ang mga drayber na nawalan ng trabaho dahil sa pandemya.

Ilang drayber ang nawalan ng trabaho matapos ipagbawal ang pagpasada ng mga pampublikong sasakyan.

Nasa modified enhanced community quarantine pa ngayon ang Metro Manila, Bulacan, Laguna, Rizal at Cavite.

Read more...