Isinagawa ang operasyon ng mga operatiba ng PDEA RO7 Seaport Interdiction Unit katuwang ang PDEG Visayas, RID-RDEU 7, at Cebu Port Authority Police bandang 3:00 ng hapon.
Natagpuan ang kontrabando na itinago sa LED spotlights sa tatlong equipment flight cases.
Unang na-detect ng PDEA K9 dogs ang kontrabando sa routine random inspection sa loob ng warehouse ng courier service company.
Isinailalim sa X-Ray examination ang tatlong fight cases sa Pier 3 sa Cebu City.
Inilagay pa ang shabu sa loob ng Chinese tea packs na may itim na rubber material.
Nakumpirma rin sa on-site random screening test ng PDEA chemist na shabu ang kontrabando.
Sa ngayon, isinasagawa na ang imbestigasyon sa shipper at consignee ng nasabing cargo at mahaharap sa mga karampatang kaso.