Metro Manila at ilang lugar sa Luzon, patuloy na uulanin

Asahang makararanas ng pag-ulan ang Metro Manila at ilang lalawigan sa Luzon.

Sa thunderstorm advisory ng PAGASA bandang 2:55 ng hapon, iiral ang katamtaman hanggang mabigat na buhos ng ulan na may kidlat at malakas na hangin sa Metro Manila, Tarlac, Nueva Ecija, Zambales, Bataan, Pampanga, at Laguna.

Kaparehong lagay ng panahon ang mararanasan sa Bulacan, Cavite, Batangas, Rizal at Quezon.

Sinabi ng weather bureau na posibleng maranasan ang pag-ulan sa susunod na dalawang oras.

Dahil dito, pinag-iingat ang mga residente sa nabanggit na lugar sa posibleng pagbaha o pagguho ng lupa.

Read more...