NCR at ilang lugar sa Luzon, uulanin sa susunod na mga oras

Asahang makararanas ng pag-ulan ang Metro Manila at ilang lalawigan sa Luzon.

Sa thunderstorm advisory ng PAGASA bandang 12:37 ng tanghali, iiral ang katamtaman hanggang mabigat na buhos ng ulan na may kidlat at malakas na hangin sa Metro Manila, Tarlac, Nueva Ecija, Pampanga, Bulacan, Laguna at Rizal.

Kaparehong lagay ng panahon ang mararanasan sa Bataan partikular sa Orani, Samal at Abucay; Zambales sa Subic at Castillejos; Tagaytay, Cavite.

Uulanin din ang Tayabas, Lucban, Sariaya at Candelaria sa Quezon; Lipa, Padre Garcia, Rosario at Laurel sa Batangas.

Sinabi ng weather bureau na posibleng maranasan ang pag-ulan sa susunod na dalawang oras.

Dahil dito, pinag-iingat ang mga residente sa nabanggit na lugar sa posibleng pagbaha o pagguho ng lupa.

Read more...