Ito ay matapos ang makikipaglaban sa sakit na acute myeloid leukemia.
Gamit ang kaniyang Facebook account, ibinahagi ng kasintahan nito na si Peachy Santos ang hindi magandang balita.
Aniya, pumanaw si Emman bandang 1:00, Linggo ng madaling-araw (August 16).
“He was with his family during the time of his passing at St. Luke’s Medical Center – Quezon City,” ani Peachy.
Nagpapasalamat naman aniya ang kanilang pamilya sa lahat ng nag-alay ng panalangin at suporta.
Iaanunsiyo aniya ang mga detalye sa burol sa mga susunod na araw.
“Funeral details will be announced in the next days. We hope everyone will respect the family’s privacy to mourn the passing of Emman. Thank you,” ani Peachy.
Bumuhos naman ang pakikiramay ng mga kaibigan at tagahanga sa mga naulila ni Emman.
Matatandaang isinugod pa sa intensive care unit (ICU) si Emman noong Biyernes bunsod ng kidney failure at blood complications.
May 17 nang ianunsiyo mismo ni Emman na mayroon siyang cancer sa pamamagitan ng vlog.