Bilang ng kaso ng COVID-19 sa mundo, higit 21.6 milyon na

Sumampa na sa 21.6 milyon ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.

Batay sa huling tala, pumalo na sa kabuuang 21,615,334 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.

Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang kaso ng COVID-19 ang Estados Unidos na may 5,529,789 cases.

Sumunod na rito ang Brazil na may 3,317,832 na nagpositibo sa pandemiya.

Nasa 2,589,208 naman ang kaso sa India habang 917,884 ang napaulat na kaso sa Russia.

Narito naman ang naitalang COVID-19 cases sa iba pang bansa at teritoryo:
– South Africa – 583,653
– Peru – 525,803
– Mexico – 517,714
– Colombia – 456,689
– Chile – 383,902
– Spain – 358,843
– Iran – 341,070
– United Kingdom – 317,379
– Saudi Arabia – 297,315
– Argentina – 289,100
– Pakistan – 288,047
– Bangladesh – 274,525
– Italy – 253,438
– Turkey – 248,117
– Germany – 224,478
– France – 215,521
– Iraq – 172,583
– Philippines – 157,918
– Indonesia – 137,468
– Canada – 121,889
– Qatar – 114,809
– Kazakhstan – 102,696
– Ecuador – 100,688

Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 768,969 ang bilang ng nasawi sa iba’t ibang bansa.

Nasa 14,329,738 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.

Read more...