Kaso ng COVID-19 sa Quezon City, 8,589 na

Nadagdagan pa ang bilang ng mga residente na nagpositibo sa COVID-19 sa Quezon City.

Sa datos ng Quezon City Health Department, umabot na sa 8,589 ang bilang ng mga kumpirmado kaso ng nakakahawang sakit sa lungsod hanggang 8:00, Sabado ng umaga (August 15).

Sa nasabing bilang, 8,514 ang DOH confirmed cases na may kumpletong address.

8,488 namang kaso ang na-validate na ng QCESU at district health offices.

Samantala, nasa 2,149 naman ang itinuturing na aktibong kaso ng pandemiya.

5,982 naman ang total recoveries sa COVID-19 sa lungsod habang 357 ang nasawi.

Batay pa sa datos, nasa 8,946 ang suspected COVID-19 cases na kabilang na isinagawang contact tracing.

Read more...