Drug suspect, timbog sa buy-bust operation sa Negros Oriental

Arestado ang isang drug suspect sa ikinasang buy-bust operation sa Negros Oriental, Biyernes ng gabi.

Ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency Central Visayas (PDEA RO7), isinagawa ang operasyon sa bahagi ng Barangay 7 Lawton sa Tanjay City bandang 7:15 ng gabi.

Nakilala ang drug suspect na si Katherine Manso, 44-anyos na nakatira sa nasabing barangay.

Si Manso ay isang PDEA-PNP watch-listed personality.

Nakumpiska kay Manso ang anim na pakete ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P6,800, isang coin purse, isang cell phone, at ginamit na buy-bust money.

Mahaharap si Manso sa kasong paglabag sa Sections 5 at 11, Article 2 ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Read more...