COVID-19 cases sa India, higit 2.5 milyon na

Nasa 65,002 ang bagong naitalang kaso ng COVID-19 sa India.

Sa datos ng health ministry sa India hanggang 8:00 ng umaga (August 15), pumalo na sa 2,526,192 ang kumpirmadong kaso ng nakakahawang sakit.

Sa nasabing bilang, 668,220 pa ang aktibong kaso.

Nadagdagan naman ng 57,381 ang mga gumaling.

Dahil dito, 1,808,936 na ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa India.

Umakyat naman sa 49,036 ang nasawi bunsod pa rin ng nakakahawang sakit.

Read more...