Ito ay sa gitna ng kinakaharap na COVID-19 pandemic.
Sa press briefing, sinabi ni Presidential spokesperon Harry Roque na kabilang sa mga ilalagay sa GCQ ang Nueva Ecija, Batangas, at Quezon.
Maliban dito, iiral na rin ang GCQ sa Iloilo City, Cebu City, Lapu Lapu City, Mandaue City, Talisay City, munisipalidad ng Minglanilla at Consolacion.
Ani Roque, iaanunsiyo naman ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Lunes, August 17, ang magiging quaranfine classifications sa Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal.
Matatandaang binalik sa modified enhanced community quarantine (MECQ) ang limang nabanggit na lugar kasunod ng apela ng medical workers dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19.
Epektibo ang MECQ sa nasabing mga lugar hanggang August 18.