Bilang ng mga pulis na tinamaan ng COVID-19, 2,798 na

Nadagdagan pa ang bilang ng kumpirmadong kaso ng coronavirus disease o COVID-19 sa Philippine National Police (PNP).

Sa huling datos mula sa PNP (Biyernes, August 14 6PM) umakyat na sa 2,798 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng COVID-19.

Sa nasabing bilang ay mayroong 1,841 na pulis na nakarecover o gumaling na sa sakit.

Ang COVID-19 related deaths ay nasa 13 na.

Ang bilang ng probable case ng COVID-19 sa PNP ay 747 at 2,153 naman ang suspected case.

Pinayuan ng PNP ang lahat ng kanilang mga tauhan na agad makipag-ugnayan sa PNP Health Service kung makararanas ng sintomas ng COVID-19.

Read more...