Metro Manila, mga kalapit na lalawigan patuloy na uulanin

Makararanas pa rin ng pag-ulan sa susunod na mga oras ang Metro Manila at maraming kalapit na lalawigan.

Sa thunderstorm advisory na inilabas ng PAGASA alas 8:07 ng gabi ng Biyernes (Aug. 14) katamtaman hanggang sa malakas na buhos ng ulan ang mararanasan sa Bataan.

Ganitong lagay na rin ng panahon ang nararanasan sa Metro Manila, Rizal, Bulacan, Pampanga, Zambales, at Tarlac at sa mga sumusunod na baya:

CAVITE:
Cavite City
Bacoor
Imus

NUEVA ECIJA:
Cabiao
San Antonio
Zaragoza
Aliaga
Quezon
Guimba
Nampicuan
Cuyapo

PAMPANGA:
Magalang
Mabalacat
Angeles City
Mexico
Santa Ana

QUEZON:
General Nakar

BATANGAS:
Tanauan
Talisay

LAGUNA:
Santa Maria
Mabitac
Lumban
Nagcarlan

Payo ng PAGASA sa mga residente maging maingat sa posibleng pagbaha at landslides.

 

 

 

Read more...