Mahigit 1,000 huli sa hindi pagsusuot o maling pagsusuot ng face mask sa QC

Nagsagawa ng operasyon ang mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD), Department of Public Order & Safety, Task Force on Transport & Traffic Management at mga kawani ng barangay.

Sa isinagawang operasyon sa iba’t ibang bahagi ng lungsod, umabot sa 1,300 ang naaresto na lumabag sa ordinansa tungkol sa pagsusuot ng face mask.

Ang mga nadakip ay pawang naaktuhang walang suot o ‘di kaya ay hindi tama ang pagkakasuot ng face mask habang sila ay nasa pampublikong lugar.

Ang mga nadakip ay dinala sa gad silang dinala sa Quezon Memorial Circle (QMC) grandstand para sa documentation, lecture at film viewing tungkol sa health protocols at iba pang precautionary measures laban sa COVID-19.

 

 

Read more...