Bilang ng mga gumaling sa COVID-19 sa Maynila halos 5,000 na

Halos 5,000 na ang mga gumaling na pasyente ng COVID-19 sa Maynila

Sa datos na inilabas ni Manila Mayor Isko Moreno, hanggang August 14 (Biyernes) ang lungsod ay mayroong 4,972 na recoveries.

Nasa 697 naman ang naitalang aktibong kaso o patuloy pang nagpapagaling.

Habang mayroon namang 259 na pumanaw sa lungsod.

 

 

 

Read more...