Publiko binalaan sa nagpapanggap na “Mayor Jaime Fresnedi”, umo-order ng pagkain, at humihingi ng load

May babala ang lokal na pamahalaan ng Muntinlupa sa mga residente nito.

Ayon sa inilabas na abiso ng Muntinlupa City Government, may tumatawag sa mga business establishment at nagpapakilalang si Mayor Jaime Fresnedi.

Nag-oorder umano ng pagkain ang caller, nagpapadagdag ng alak at nagpapaload pa.

Hinomok ng LGU ang lahat na maging mapanuri sa mga callers at kilatisin ang pakay ng mga ito at huwag agad magpaloko.

Maaring tumawag sa 8861-7337 at 8817-0212 para mag-beripika.

 

 

 

Read more...